Christian Rueda / follow me on twitter @edarueda
Christian Rueda , 5th of May 1997, 15 , Manila , Philippines . I like playing online games , cool shirts , extreme sports and shoes.
RFRSH
MSG
ARCHV
RNDM
SBMT
THM
Happy Birthday !
Ang unang iniisip ng karamihan ukol sa birthday ay kainan at syempre ang magsaya. Kahit maraming problema ang pinagdadaanan ng tao ay kailangan/dapat maging masaya siya sa araw na iyon.
Nag-aabang na simula alas dose ng gabi sa facebook at iba pang social media sites kung sino na ang mga bumati. Marami kang inaasahang bumati. Mga kaibigan, kapamilya, meron ding plastik, makakapal ang balat at iba pang klase ng hayop.
Panibagong taon na naman ang pinagkaloob ng panginoon sakin. Panibagong taon, panibagong simula, panibagong pag-asa. Lahat ay sisimulan muli sa aking panibagong taon. Sisimulang magpasalamat. Sisimulang gumawa ng panibago sa iba. Lahat dapat ay bago kaya dapat walang kaaway.
Sana walang mangyaring di kaaya-aya. Sana parati ng masaya. At sana walang magbago.
Type
Ikaw? Anong ideal guy/girl mo? Anong katangian na tinataglay ang iyong gusto o minimithi sa isang babae/lalake?
Ang kadalasang sagot ng karamihan ay mabait, maganda/gwapo, maputi, matangkad, may dimples, matalino, may braces at seryoso sa isang relasyon.
Sa mga tagapakinig diyan. Sa may mga ka-on ngayon. Kung may dahilan kung bakit ninyo natipuhan ang girlfriend/boyfriend niyo. Para sa akin, hindi yan love. Kasi kung mahal mo ang isang tao ay dapat walang dahilan, walang pero pero. Pero kung may dahilan kung bakit mo siya nagustuhan, like lang yun, hindi love.
Madaling mahalin ang mga bagay na hindi nati gusto, pero mahirap gustuhin ang mga bagay na hindi natin mahal.
❝Once na sinabi kong I love that person. Never akong nagkakamali :) Siguro dahil na wala mang saktong depenisyon ang love. As long na gets mo yung concept eh hindi ka masasaktan sa huli. Lahat naman ng taong dumating sa buhay ko eh minahal ko. May mga sumuko man, ako man yung naging problema sa huli. Well, part na ng buhay yung mangyari yung mga ganun eh. Nasaktan ka? Then move on. And find another person na worth it hintayin at mahalin. Life is simple, hindi na dapat ginagawang kumplikado.
Alam mo naman kasi sa sarili mo kapag ikaw yung nagmamahal kung kailan ka susuko at lalaban eh :) Huwag masyadong magpakabaliw sa taong nananakit sayo palagi. There is always an option para sumaya. Smile everyone!
Luha sa dulo ng batuta
May isang pulis na nagngagalang Berto . Una palang niya sabak ay nagpakilala agad siya sa mga kapwa niya pulis . Nakaramdam siya ng hindi pakikisama ng kasama niya sa serbisyo .
Nakalipas ang ilang buwang pakikisama ni Berto sa kanyang mga kaserbisyo , napag-alaman niyang may masamang gawain pala ang mga ito kaya napagdesisyonan niya tulungan ang mga ito mag bagong buhay . Sa una , nahirapan siya pero nang lumaon , nasanay na rin siya . Ang iba niyang kasama ay hindi pinapansin ang tulong ni Berto pero sa bandang huli naisip nila na makikinabang naman rin sila mula dito . Pagkatapos ng 2 taon , lahat ng kasama niya ay nagbago at magkakasundo na ang mga ito . Parati na silang nagbabatian tuwing pumapasok at minsan nag-aaliw-aliw .
Ngunit may isang masaklap na pangyayari sa prisinto kung saan may umambush sa kanila . Naroon si Berto upang puksain ang mga kalaban ngunit siya lang mag-isa kaya siya nabaril sa dibdib . Nang may mga paparating na pulis ay umalis ang mga ito . Nakita ng pulis na may nakahilata at duguan sa loob ng prisinto na isang pulis at nang tignan nila ito’y bigla silang nagulat . Ito’y si Berto ! Tinakbo agad nila ito sa ospital at sana’y hindi pa huli ang lahat . Nasa labas sila ng emergency room , nagdadasal , naghihintay sa doktor para marinig na ” Maswerte kayo , naagapan pa ang kaibigan niyo ” . Makalipas ang ilang minuto lumabas ang doktor at binalita na pumanaw na si Berto . Parang may sumabog na super lolo nang narinig nila ang balita . Hindi nila matanggap pero iyon ang katotohanan at ito ang magpapalaya sa’yo .
Binurol ng mga kaanak ni Berto ay kanyang labi . Nakiburol ang mga kapwa niya mga pulis at lalo na ang mga natulungan niyang magbagong buhay . Habang tumitingin ang mga ito sa labi ni Berto , umiiyak ang mga ito at ang kanilang mga luha ay pumapatak sa dulo ng kanilang batuta .
Pinangaralan si Berto ng award bilang isang matapang na pulis at binigay ito sa kanyang kaanak . Nangako ang kapulisan na tutulungan ang pamilya ni Berto .
Ang korapsyon ay nagsisimula sa’yo kung may mali kang nagawa/ginawa na labag sa ibang tao/gobyerno . Halimbawa : Hindi ka nagbayad sa jeep , nalabag mo ang damdamin ng drayber dahil hindi niya agad matatatapos ang kanyang trabaho dahil sa kakulangan sa kita .
MAYABANG OR CONFIDENT ?
Read More
MAYABANG OR CONFIDENT
Alin ka diyan sa dalawa ? Marahil nag-iisip ka na ngayon kung ano ka nga ba ? ( nagtutula ba ako ) . Maraming tao ay ang akala nila sa sarili nila ay mataas ang kumpyansa pero yun pala sila’y sadyang mayabang lamang .
Read More